Vice nagsakripisyo para sa ‘It’s Showtime’; publiko humanga

BUMILIB ang publiko sa ginawang pagbabawas ni Vice Ganda ng kanyang talent fee sa “It’s Showtime” para umano mapaganda at maipagpatuloy ang noontime show ng Kapamilya network.

Ayon sa isang Facebook post, isinakripisyo ni Vice ang kanyang talent fee para tulungan ang ABS-CBN na bumuo ng mas malaki at mas magandang studio para sa kanyang show.

“Pinakamalaking sakripisyo ang ginawa ni Vice Ganda, binawasan ang kanyang talent fee para tulungan ang It’s Showtime na bumuo ng mas malaking studio,” ayon sa post.

Hinangaan naman ng netizens ang ginawa ng TV host-comedian.

“Matulungin ka meme Vice ganda kya dami mo blessing ky Lord.”

“Wow..baet talaga.. good job Ms vganda.”

“Daming ipon ni Vice di naman kawalan sa kanya kung babawasan talent fee niya.”

“For sure mas malaking blessing ang darating kay Vice due to this sacrifice. At ang pagtulong nya na mas mapaganda yung stage or studio nila is really something para mas madaming manuod specially madami ng sumusubaybay sa kanila via online platforms and tv.”

“Sana mameet kita in person meme vice khit ano sbhin nila you’re the one talaga.”