Vice ilalabas na kanta para sa bashers

MALAPIT nang i-release ni Unkabogable Star Vice Ganda ang kanyang kanta na “Bwak Bwak Bwak” na isinulat niya para sa kanyang haters.

Ayon kay Vice, nabuo ang konsepto ng kanta matapos siyang manood ng TikTok videos ng mga taong naiinis sa kanya.

Sey ng “It’s Showtime” host na naging hobby na niya ang pagtangkilik sa TikTok kung saan pinanonood niya ang content ng mga fans niya at maging ng mga haters.

“So, Holy Week nababagot ako. Tapos nagti-Tiktok-TikTok lang ako. E, ang dami kong nakikitang content. Tawang-tawa ako sa inis ng maraming tao. It was so fulfilling ‘yung makita ‘yung buwisit ng ibang tao na nabubwisit sa akin. Na-fulfill ako. So, gawan ko nga ‘to ng kanta.” ani Vice.

Sa “It’s Showtime” unang sinabi ni Vice na magre-release siya ng kanta na ang title ay “Bwak Bwak Bwak” para sa mga bashers niya, partikular sa isang veteran showbiz writer at host na hindi niya pinangalanan.