EA Guzman isang taon nang hindi nagsasarili

ISANG taon nang hindi nagsasarili ang aktor na si EA Guzman makaraang madiskubre ng fiancee niyang si Shaira Diaz na nanonood siya ng porn sa cellphone.

Ginawa ni EA ang pag-amin sa panayam ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz.

Sa isang bahagi ng interview ay itinanong ni Ogie kung ginagawa pa rin ni EA ang “karaniwang ginagawa ng mga lalaki.”

“Ako siguro, a year. Isang taon na,” sagot ni EA.

Chika ng Kapuso actor ay nakukunsensya raw siya kapag ginagawa niya ito.

Dagdag niya, gusto niyang “i-save” ang sarili hanggang sa araw ng kasal nila ni Shaira sa 2026.

“Parang hindi totoo, ‘no? Pero kinakaya niya,” paniniguro naman ni Shaira.

Sa nasabi ring panayam ay isiniwalat ni Shaira na nag-iiyak siya nang madiskubre sa search history ng cellphone ni EA ang ilang porn sites.

“Nung nakita ko ‘yung history, na hindi ko inaasahan: ’Ano ‘to? Sino ‘to?’ Sabi niya kasi tapos na raw siya doon. Ganyan. Matanda na raw siya para doon. Tapos nakita ko ‘yung history, mayroong ano. Tapos umiyak ako,” ani Shaira.

Punto ng aktres, masakit para sa kanya na malaman na pinagpapantasyahan ni EA ang mga babaeng napapanood nito sa videos.

“Kasi para sa akin, parang kung nanonood ka noon e ‘di parang pinagpapantasyahan mo ‘yung ibang babae…Hindi ko alam. Basta, nasaktan talaga ako,” pahayag pa ni Shaira.

Matatandaan na isiniwalat ni EA na nananatiling virgin si Shaira sa kanilang 11-taon na relasyon.