Vice Ganda na-beast mode sa tabloid headline

ON the warpath ang TV host-comedian na si Vice Ganda makaraang ibalita ng isang tabloid na “nang-away” siya ng isang crew member ng fastfood.

“Grabe ung headline! Ang lakas mang click bait. ‘Very creative’ makapang ulul! Bwak bwak bwak!” pagtataray ni Vice.

Ang tinutukoy niya ay ang titulo ng isang news item na “Vice Ganda, ‘nagalit’ sa staff ng fastfood!”

Base sa balita, sa isang vlog ng Unkabogable Star ay pabiro siyang nagalit sa isang crew member nang pagbayarin siya sa kanyang inorder.

“Ako ang endorser, sinisingil niyo ‘ko? ’Di ba dapat libre na ‘ko?” hirit ni Vice.

Pero bago pa nakasagot ang staff member ay nilinaw ni Vice na nagbibiro lang siya saka nagbayad ng eksaktong amount.

Hanash ng “It’s Showtime” host sa nasabing tabloid: “Aktwali! Gamit na gamit ako sa mga click baits at mga fake news ng mga fowtah. Pa-shopee naman kayo mga mhi dami nyo na ring kinita e. Bwak bwak bwak!”