Bianca ambisyong maging ina

MAG-ALAGA at magpalaki ng mga anak ang numero unong pangarap sa buhay ng Kapuso actress na si Bianca Umali.

Sa “Luis Listens” vlog ni Luis Manzano, inihayag ni Bianca na ang misyon niya na maging ina ay impluwensya ng kalinga na naranasan niya mula sa kanyang lola.

“It comes from my lola…who raised me when I lost my parents. Now that I am getting older, nakikita ko ‘yong bits and pieces of her in me, and that just makes me happy,” aniya.

“I know that purpose ko sa buhay na ‘to ‘yung mag-alaga ng tao, maging nanay. Kahit na hindi ko pa anak..Ambisyon kong maging mommy and I’m excited to be one legitimately,” dagdag ng girlfriend ni Ruru Madrid.

“But ngayon pa lang ‘yung alagaan ko si Ruru, alagaan ko ‘yung lola ko, alagaan ko ‘yung mga taong katrabaho ko, it makes me genuinely happy kaya feeling ko ayon ‘yung purpose ko in life,” sambit pa ni Bianca.