VICE BINUTATA TV5 SHOWBIZ REPORTER

DAMA ng publiko ang panggigigil ni Vice Ganda sa isang reporter ng TV5 sa pagsabat ng huli sa isang tweet na may kaugnayan sa maling balita ukol sa TV host-comedian at sa aktres na si Marian Rivera.

Nag-ugat ang inis ni Vice sa reporter na si MJ Marfori nang magkomento ito sa tweet ni Gretchen Ho, anchor ng Frontline sa Umaga, na sinabing iimbestigahan ng network ang naibalita ng programa na nagkabati na sina Vice at Marian matapos magkaroon ng iringan.

Sa nasabing tweet ni Gretchen, nagkomento si MJ ng “Also, hindi ko story ito. @vicegandako 🤣”

Nairita umano si Vice sa chika ni MJ. Aniya: “Also, hindi ko trip ang emoji mo! May nagjoke po ba?”

Tila natauhan naman si MJ at agad humingi ng dispensa sa Unkabogable star.

“I apologize. I was just surprised and caught off guard that I was tagged in the story. I didn’t mean to offend,” sabi niya.

Ang sagot ni Vice sa apology ni MJ: “🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣”

📷: @praybeytbenjamin, @mjmarfori/Instagram