Vhong sa birthday ng asawa: ‘Salamat dumating ka sa buhay ko’

TODO-pasalamat si TV host Vhong Navarro sa misis na si Tanya na nagdiwang ng kaarawan nitong Lunes.

Sa Instagram, binati ni Vhong si Tanya kalakip ng larawan nito.

“Wala ng makakahigit pa sa mga pagmamahal na binigay mo sa akin,” sey ni Vhong.

“Maraming salamat at dumating ka sa buhay ko…Happy Birthday, Mahal ko! I love you!!!” dagdag niya.

Nagpadala rin ng birthday greetings kay Tanya ang mga kasamahan ni Vhong sa “It’s Showtime” na sina Jhong Hilario, Anne Curtis, Kim Chiu, Ogie Alcasid, Ryan Bang, Amy Perez, at Lassy.