Andrea binigyan ng motor 2 kasambahay…next time, house and lot?

NIREGALUHAN ni Andrea Brillantes ng motorsiklo ang dalawa niyang kasambahay na matagal na umanong nag-iipon para mabili ang pangarap nilang rides.

Sa kanyang vlog, iginiit ni Andrea na hindi niya ginawa ang pamimigay ng motor sa mga kasambahay niyang sina Sabel at Ryza “para sa content.”

“Naisip ko lang na i-film siya kasi memories din ‘to for me and Ate Sabel and Ryza para mabalik-balikan namin ‘to para next na ibibigay ko sa kanila e house and lot. Sana umabot ako sa ganoong point,” paliwanag ng aktres.

Dagdag ni Andrea, deserving ang dalawang kasambahay sa regalo dahil matagal na silang nagsisilbi sa kanilang pamilya.

“Si Ryza ‘yung daughter ni Ate Erna na naging yaya ko na since four years old ako. Ate Sabel din naging yaya ko siya na bagets ako, siguro mga six,” sey niya.

Isang blue Yamaha Aerox ang ibinigay niya kay Ryza habang green Yamaha NMax kay Sabel. Una pang inakala ng dalawa na huhulugan nila kay Andrea ang mga motor. “Hindi! Bigay nga e,” giit ng aktres.