Underwear ni Myrtle sa GMA Gala tinutukan ng netizens

INOKRAY ng ilang netizens ang TV personality at dating Pinoy Big Brother winner na si Myrtle Sarrosa dahil sa suot nitong revealing gown sa GMA Gala nitong Sabado ng gabi.

Sey ng netizens, halos hubad na si Myrtle na anila ay naging kamukha ng namayapang manghuhula na si Madam Auring sa make-up at gown niya.

“Mareng madam auring saan po kayo pupunta? Malamig yata diyan e?”

“Ano ba yan!!! Nkahubad na, patawarin kayo ng DIYOS!”

“My god halos nakahubad na baka mag swimming sya.”

“Labas na soul!!???”

“Naging kmukha nia si madam auring.”

Ipinagtanggol naman ng kanyang mga fans si Myrtle at sinabing on-brand ang suot niya dahil isa itong cosplayer.