PINADALHAN ng demand letter ang komedyanang si Kakai Bautista ng abogado ng talent agency ng Thai actor na si Mario Maurer dahil sa panggagamit umano niya sa international heartthrob.
Sa sulat na may titulo na “Demanding to Cease, Desist and Refrain from further use and reference of the name of Mario Maurer,” sinabi ng Kwaonhar Nine Nine Co., Ltd. na walang basbas ng aktor ang ginagawang “panggagamit” dito ni Kakai.
“We have been informed of unauthorized use of Mario Maurer name by several events, and it has come to our attention that your talent, Catherine ‘Kakai’ Bautista is the person who continues to use the name of Mario Maurer to attach to herself without consent nor knowledge. Moreover, not only Mario Maurer name but also make the false statement in related to Mario Maurer’s manager.”
Idinaan ng Kwaonhar Nine Nine Co., Ltd. ang demand letter kay Kakai sa management nito na Artist Gallery Management.
Base sa lumabas na ulat, nawalan umano ng mga proyekto si Maurer matapos ma-link sa komedyana.
Hindinrin daw gusto ng mga Thai fans ng aktor na makita itong dinidikitan ni Kakai.
Sagot naman ni Kakai sa Instagram: “Hooh hirap pag sobrang gandaaa. ISMAYL nalang si Tyang sa mga taong ayaw tumigil.”