400K doses ng Sinovac vaccine nasa PH na

sinovac

DUMATING sa bansa ngayong umaga ang karagdagang 400,000 doses ng Sinovac vaccine na bahagi ng donasyon ng China.


Sakay ang bakuna ng eroplano ng Philippine Airlines at ibinaba sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 alas-7.


Ang 400,000 doses ng Sinovac ay bahagi ng isang milyong donasyon mula sa China. Nauna nang dumating ang 600,000 doses na ginamit sa mga medical frontliners.


Sinabi ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na inaasahan din ang pagdating ng karagdagang dalawang milyon doses ng vaccine mula Sinovac at World Health Organization COVAX facility sa katapusan ng buwan.


Kinabibilangan ito ng isang milyong doses ng biniling Sinovac vaccine at 979,200 doses ng AstraZeneca.