ECQ i-extend nang isang linggo–DOH

NAIS ng Department of Health (DOH) na palawin nang isang linggo ang ipinaiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus dahil sa patuloy na pagdami ng Covid-19 cases.


Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na irerekomenda nila ang isang linggo extension pero hindi pa ito pinal. Aniya, pag-aaralan din ng kagawaran ang epekto ng ipinaiiral na ECQ bago ito matapos sa Abril 4.


“The ideal would really be two weeks so that we can be able to see that effect that we would want,” ani Vergeire sa panayam sa TV.