Show ni Marian na inokray ng netizens, reremedyuhan ng GMA-7

AAYUSIN ng produksyon ang isang eksena sa Kapuso show na “My Guardian Alien” kung saan makikita na in-edit ang mukha ng bidang si Marian Rivera para palabasin na nakahiga ito sa loob ng kabaong.

Ayon sa isang X user at fan ng show, inihayag umano ng direktor na si Zig Dulay na reremedyuhan ang nasabing eksena.

“As per direk Zig, aayusin daw ng production. Hindi pa ‘to final kaya pwede pang baguhin,” sambit ng netizen.

Nitong Sabado ay pinagpiyestahan ng publiko ang larawan na kuha sa taping ng show. Inulan ng pintas ang mga nasa likod ng palabas dahil halata umanong tinipid ang nasabing eksena.

“Ito ayaw ko sa gawang gma na palabas…puchu puchu sayang yung kwento tapos pinag mumukhang tanga yung viewers. tipid na tipid sa production at quality ng vid.”

“Dula-dulaan world premiere juskooo paangat na si ate marian bakit niyo ginaganito?”

“Pang tiktok green screen lang mga ganyang atake eh hahaha.” “Cheap! No budget tlga pag kamuningss hahahaha.”

“Jusko kaya yan ng editor nagtipid lang talaga.”

“Nakaka sad naman. pano susuportahan yung gawang Pilipino kung ganyan namang puchu puchu.”

“Jusko after bigyan ng billion blockbuster si Marian ganyan gagawin nyo. Ang huling 2 linggo agad talaga yan lol”