ISINIWALAT ng aktres na si Sarah Lahbati na hindi na sila nag-uusap ng asawang si Richard Gutierrez.
Sa interview ng One PH, tuwirang sinabi ng aktres na wala na silang komunikasyon ni Richard.
“Nag-uusap na kayo ni Richard ngayon?” tanong ni MJ Marfori.
“No,” sagot ni Sarah. Inihayag naman ng aktres na co-parenting sila ni Richard sa mga anak nilang sina Zion at Kai.
“We’re good at parenting. And we are there for the kids. That’s all I’m gonna say. Of course, it’s not ideal for the children. But that’s life. And they’ll be fine,” sabi niya.