Pansin ng netizens, Ray Parks nagiging kamukha na ni Bia

APRUB sa professional basketball player ang obserbasyon ng netizens na kamukha na niya si Bia Harake, ang bunsong anak ng partner niyang si Zeinab Harake.

Sa Instagram, ipinost ni Ray ang TikTok video kung saan nili-lipsych ni Zeinab ang kantang  “Made For Me” kay Bia.

Caption ni Zeinab, si Bia ang kanyang twin at bestfriend.

Sey ng netizens: “Btw, pag tumatagal nagiging kamukha na ni bia si bobby ray.”

“Yung ikaw nag-ire kay Biana pero si Ray Parls ang kamukha.”

“What if si Ray Parks tunay na ama.”

“Bat parang mas kahawig pa ni Rey park si Bia ngayon!” Bago ito, sinabi ni Ray na, “I really love Bel (Zeinab), but my love for this girl (Bia) is iba talaga.”

“She became everything to me, especially when she calls me ‘daddy’ my heart melts. Mahal na mahal ko ‘tong anak ko na ‘to, I will always be by her side no matter what happens,” dagdag niya.

Ibinida rin ni Ray ang photo nila ni Bia sa isang Instagram post. “There is this girl who stole my heart and she calls me Daddy,” caption ni Ray.