INAMIN ni Sam Milby na hindi na sila magkaibigan ngayon ng singer na si Moira Dela Torre.
Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN, sinabi ni Sam na hindi na nga niya pina-follow ang singer sa Instagram dahil nga sa meron silang “falling out” nang itinuturing niyang nakababatang kapatid.
Matatandaan na kumalat ang chika na may alitan ang dalawa matapos makita ng netizens na hindi na pina-follow ni Sam ang singer.
“Dati, we’ve always been mag-kuya. We were very close. I was there nung nagsa-start pa lang siya sa career niya, sa pag-angat niya. I was pushing her and I was supporting her,” pahayag ni Sam sa “On Cue” ni MJ Felipe.
“We are not friends anymore,” dagdag pa nito nang tanungin kung magkaibigan pa sila.
Hindi naman na idinetalye ni Sam ang dahilan ng kanilang “falling out”.
“It’s an issue that’s a bit more sensitive, I think. I feel like it’s not only with me but—it’s just something I don’t really want to talk about. We’re just not friends anymore,” anya.
Kamkailan lang din ay inamin din ni Sam na hiwalay na sila ng kanyang kasintahan na si Miss Universe Catriona Gray.
Iginiit din ni Sam na walang kinalaman si Moira sa hiwalayan nila ni Catriona.