INANUNSYO ng aktres na si Roxanne Barcelo na sa Taiwan na sila maninirahan ng kanyang pamilya.
Sa kanyang vlog, isiniwalat ni Roxanne na nagdesisyon sila ng kanyang mister na sa Taiwan na mamalagi. Hindi naman niya sinabi ang rason.
“We will see how the ganaps are. Excited na ako actually sa totoo lang kasi masarap daw ang food, maganda ang kabuuan ng Taiwan. From the beatiful country of the Philippines going to another beautiful country of Taiwan,” sey niya.
“Baka may pa-kanta ako doon, we’ll see. Sana matuloy at sana matupad. If not, food vlogger, charing. Gagawin ko talaga ‘yun kasi masarap daw ang food sa Taiwan and ang ganda ng fashion. Explore natin lahat,” dagdag niya.
Inamin naman ng aktres na kahit excited siya sa bagong environment, mami-miss niya ang kanyang ina, kapatid at mga kaibigan.
“Siyempre, ma-mimiss ko ‘yung nanay ko, ang brother ko na nasa US. Talagang namimiss ko sila. Even my friends here,” ani Roxanne.
Nangako naman ang aktres na bibisita siya sa Pilipinas kada tatlong buwan.