SA kabila ng kanilang break up, sinabi ni Jeric Gonzales na nanatili silang magkaibigan ng ex-girlfriend na si Rabiya Mateo.
Suportado rin aniya nila ang career ng bawat isa.
“After what happened—the controversies and issues—nag-stay kami na friends, good friends,” chika ni Jeric.
“Ang hirap sabihin na nagkabalikan kasi mas gusto na lang namin sabihin na we’re good friends and we support each other. Hindi kami ‘yung nag-break na as in wala na talaga, nag-away, gano’n. We want it private lang, we’re on good terms,” dagdag niya.
Ipinaliwanag niya na hindi malaking bagay ang ugat ng kanilang break-up.
“Wala naman kasi talaga kaming pinag-awayan or pinagtalunan na issue. Siguro priorities lang talaga as of now kasi we’re both busy,” sey pa ng aktor.