Publiko naaliw sa postnatal photos ni Dianne Medina

BUKOD sa kanyang newborn baby, tinutukan din ng netizens ang make-up ng aktres na si Dianne Medina sa mga photos matapos ang kanyang panganganak.

Shinare sa Instagram ng asawa ni Dianne na si Rodjun Cruz ang mga postnatal pics na nilakipan nito ng mensahe ng pasasalamat sa aktres.

“So proud of you wife wife! Ang tapang mo . Sa Nasaksihan ko kanina mas lalo pang tumindi ang pagmamahal ko sayo. saludo ako sayo! I love so much,” ani Rodjun.

Binagyo ng pagbati ang mag-asawa, pero ilang netizens ang hindi nakatiis na magkomento sa hitsura ni Dianne.

“Pak ang eyelash extension! Congratulations!”

“Di pa tapos ang photoshoot. Naka glam pa cya, with full eyelashes and eyeshadowww.”

“Congratulation! Pero si wife wife parang malagagamba ang pilikmata hihihi.”

“Ganap na ganap ang pa-pilikmata ni Dianne! at dapat smoky eyes din pag nanganganak.”

“Iba na talaga manganak ngayon. Plakado na ang fez. Samantalang nung time ko para akong namamagang manok sa pagod.”

“Bumabawi si atih… Kasi nung unang panganak niya, haggard na haggard siya.”