Piolo magbabalik sa teleserye sa isang kondisyon

MAGBABALIK lamang ang aktor na si Piolo Pascual sa paggawa ng teleserye kung si Judy Anne Santos ang kanyang makakatambal.


Naging maugong umano noon na gaganap si Piolo bilang si Simon Foster sa adaptation ng sikat na K-drama na “Doctor Foster.”


“Kung tinanggap ni Juday, kung gagawin ni Juday, I’ll do it. I’ll do it in a heartbeat. It’d be nice to work with her again,” giit ni Piolo.


Aniya, isa siya sa mga biggest fans ni Judy Ann.


“Juday is Juday… I’m always gonna be a fan of Juday. Laki ng utang na loob ko doon. If there’s a chance for us to work again, anytime,” sabi niya.


Pero sa ngayon, ayon sa aktor, ay masaya ang kanyang buhay sa probinsya.


“I have skipped TV because I want to focus on being a probinsyano. My passion has always been the movies. I love films. That’s really my priority. I’m gearing towards doing just movies for now,” pahayag niya.


Ayon sa aktor, may tatlo siyang pelikulang nakatakdang gawin ngayong taon.