Killer ng transman timbog

INATASAN ni Philipine National Police chief Gen. Guillermo Eleazar ang Quezon City Police District na bumuo ng task force upang imbestigahan ang panggagahasa at pagpatay sa transman na si Ebeng Mayor.


Kaugnay nito, nasakote Biyernes ng gabi ang isa sa mga suspek na si Zander dela Cruz. Pinaghahanap pa ang dalawa niyang kakuntsaba na sina Richard Elvin Araza at Joel Loyola.


Ani Eleazar, personal niyang tututukan ang kaso at siya mismo ang makikipag-ugnayan sa pamilya ng biktima.


Natagpuan ang naaagnas na katawan ni Mayor sa bakanteng lote sa Brgy. Silangan, Quezon City Huwebes ng hapon.


Durog ang bungo at pinasakan pa ng kahoy ang ari ng biktima, ayon sa pulisya.


Bago natagpuan ang bangkay ay tatlong araw nang pinaghahanap ng kanyang pamilya ang biktima.