Pinoy napa-wow sa ‘Binibini’ ng British singer

Ginulat ng British singer na si James TW nang mag-cover ito ng YouTube trending song na “Binibini” ni Zack Tabudlo.

“vv cool to see my brother @jamestwmusic who s also under Island Records cover a Tagalog version of Binibini!,” sey ni Zack sa kanyang Instagram post.

Dahil dito nire-upload ni Zack a video cover ni James para sa kantang “Binibini” habang tumutugtog ng gitara habang kinakanta ang Filipino song.

In-upload ng British singer ang kanyang video sa Instagram nitong Martes.

Larawan mula sa https://www.instagram.com/zack.tabudlo/