Nadine Samonte inokray sa doll collection

INALMAHAN ng aktres na si Nadine Samonte ang ilang netizens na sinasabing ginagaya niya si Marian Rivera sa pangongolekta ng trending na Royal Molly action figures.

Sa Inatagram post, tinalakan ni Nadine ang mga “toxic fans” na tila naiinis kapag may nakikita ng mga taong masaya.

Paliwanag ni Nadine, bago pa niya nakita ang mga post ni Marian ukol sa collection nito ay nadiskubre niya ang mga action figures habang nagta-travel.

“My first ever Royal Molly bought it in Taiwan last Aug. Nainlove agad ako the moment nakita ko sila sa night market and simula nun bumibili nko . Hindi ko plng napopost kasi gusto ko macomplete ang royal molly. Its sad lang na ang daming toxic mindset ng mga tao ngyn. Gaya gaya daw ako kay Marian and kung anu pa,” aniya sa Instagram.

“Is it bawal na ba maging collector pag nagusthn ang isang bagay? Isang tao lang ba ang pwde mag collect at bumili? Nakilala ko ang popmart nung nasa taiwan ako at hindi ko pa nakita mga posts ni Marian nun and when i saw her posts kinilig ako kasi i fell inlove with Molly and ibang items like Skull Panda and Dimoo na din,” dagdag niya.

Chika pa ni Nadine na tinanong niya si Marian kung saan nito binili ang mga ito dahil gusto niyang lumago pa ang kanyang koleksyon. 

“She messaged back with pure happiness for me kasi nagcocollect din ako,” aniya.

“Tapos kayo ganyan? Sa inyo ba ako humihinge ng pangbili? Hindi naman db? So pag bumili ako ng gamit or bag, gaya gaya din ako sa mga nakabili? What a toxic mindset you guys have.  Wika niya, iinisin niya ang mga bashers dahil hindi niya titigilan ang pagpo-post ng nabili niyang action figures.

“Happy collecting sa mga collectors gaya ko and sa mga toxic try nyo magcollect baka magbago ang mga pinagssbi nyo,” sambit ni Nadine.