Nadine Lustre sanay nang ma-bully

INAMIN ni Nadine Lustre na bata pa lang siya ay nabu-bully na siya kaya hindi na niya ito iniinda.
“I’ve always been bullied since I was younger, so im totally used to it. I’ve become bullet proof,” chika niya sa tweet.


Ang concern niya, dagdag ng aktres, ay ang mga taong hindi kaya ang pam-bubully ng iba.
“Im very much concerned for people who don’t have the same mental + emotional load as me,” ayon sa aktres.


Sa isa pang tweet ay sinabi ni Nadine na maraming tao ang parang uhaw na uhaw na manlait at mambatikos ng kapwa.