Bimby walang paki sa basher

ISINIWALAT ni Kris Aquino na walang epekto sa anak niyang si Bimby ang mga komento ng mga netizens na isa itong bading.


“I brought up a son who’s brave… So lahat ng mga sinabi niyo sa kanya, sorry na lang pero di n’yo siya napaiyak,”‘ ani Kris sa inilabas niyang video kamakailan.


Pero dagdag niya: “Ang napaiyak n’yo ay ‘yung nanay.”


Sinabi ng tinaguriang Queen of All Media na sa susunod ay hindi na siya magpapaapekto sa bashers dahil ang tanging silbi lang sa buhay ng mga ito ay manakit ng kapwa.


Sa parehong video, inanunsyo ni Kris na mamimigay siya ng P10,000 cash sa 21 followers niya sa Facebook at pito sa Instagram para sa kaarawan ni Bimby.