SIGURADO na si Nadine Lustre sa presidential candidate na susuportahan niya sa 2022 elections, at ito ay walang iba kundi si Vice President Leni Robredo.
Bago pa man din mag-anunsyo ng kanyang kandidatura si Robredo, nagparamdam na si Nadine ng kanyang pagsuporta sa bise presidente.
Sa podcast interview ni Saab Magalona at Jim Bacarro kay Nadine, ipinaliwanag niya kung bakit masyado siyang open sa kanyang support kay Robredo.
“You can support who you wanna support. And you shouldn’t be afraid to say it to people. And if you wanna support someone, you do it all the way,” chika ni Nadina.
“It’s like, ang weird kasi na you want to encourage people to vote and to be more wise on picking. Why would you be ashamed of your picks,” dagdag pa niya.
Chika pa nito na hindi raw naman niya ia-unfriend ang mga followers and friends niya sa social media na may ibang opinyon sa kanya at iba ang susuportahan sa darating na halalan.
“Ako naman, if you don’t like my pick, that’s your problem. Ako, I know who I’m gonna vote for. It’s just like that. I respect everyone’s preferences. I’m not gonna unfriend you just because you wanna vote for this person. That’s yours and I respect that, and I hope people do the same to me,” dagdag pa ng aktres.