2 Pharmally execs tatakas patungong Malaysia, timbog

INARESTO ng Senate security personnel ang mgakapatid na executives ng Pharmally Pharmaceutical Corp. na sina Twinkle at Mohit Dargani sa Davao City nitong Linggo.

Patungo na sana ang magkapatid sa Malaysia nang dakpin ang mga ito sa Davao City Airport alas-5 ng hapon habang naghihintay ng kanilang flight patungong Kuala Lumpur, ayon kay Rene Samonte, Senate sergeant-at-arms.

Ang dalawa ay ilalagay sa kustodiya ng Senado.

Pinaaresto ang dalawa ng Senado matapos silang i-cite for contempt dahil sa pagtanggi na isumite ang mga dokumentong hinihingi ng blue ribbon committee na siyang nag-iimbestiga sa diumano’y kuwestyunableng transaksyon ng Pharmally sa gobyerno.