Maternity photoshoot ni Dianne Medina inokray nang bongga

HINDI pumasa sa panlasa ng ilang netizens ang maternity photos ng aktres na si Dianne Medina.

Sa Instagram, buong-ningning na ibinida ni Dianne ang kanyang baby bump kasama ang mister na si Rodjun Cruz. 

Sa mga larawan, suot ni Dianne ang black and white na undies, trench coat at leather boots. Tinaasan naman ng kilay ng mga Facebook users ang outfit ng aktres.

“Ewan ko ba sa mga buntis bakit need mag bra at panty sa mga ganyan.” “Parang hindi maternity photoshoot lolssss.”

“Tacky. Yun lang.”

“Naka trench coat at voots sa loob ng bahay and naupo sa “supa” na parang nag-aantay ng arroz caldo—WHY?”

“Ayaw patalo ni Dianne sa leather boots.”

“Yung nka panty ka lang sa maternity photo shoot.. done in bad taste.”

“What theme were they going for though? jungle safari/dominatrix? Sorry na po. I really find Diane Medina pretty, ganda mg kutis eh, pero ang off ng shoot na to, parang walang coherence at all, it was not done tastefully, no trace of their personality, their personality, change your stylist please.”

“Oh no. Bakit ganyan? Naka boots, naka coat, tapos underwear lang. Anong tawag sa theme na ito? Bakit ganito?”