Luis Manzano papasok sa politika?

BANTULOT ang aktor at TV host na si Luis Manzano na pasukin ang mundo ng politika.


Nang tanungin kung may balak siyang kumandidato sa susunod na eleksyon, sinabi ni Luis na hindi siya sigurado.


“Wala pa, pero malay natin. Nakikita ko, baka naman nasa horizon ‘yan, ang pagiging isang politiko,” aniya.


“Naniniwala ako na lahat tayo meron tayong obligation o responsibility to serve,” dagdag niya.


Hindi bago si Luis sa politika dahil maraming taon na naging mayor ng Lipa City at gobernadora ng Batangas ang ina niyang si Rep. Vilma Santos-Recto habang nagsilbing vice mayor ng Makati ang ama niyang si Edu Manzano. Si Sen. Ralph Recto naman ang kanyang step-father.


Kamakailan ay ikinasal si Luis sa kanyang girlfriend na si Jessy Mendiola.