Pulis pinatay si misis saka nag-suicide

BINARIL at napatay ng pulis ang kanyang asawa bago nagpatiwakal sa Surigao City, Surigao del Norte noong Miyerkules.


Ayon sa ulat, kinuha ni SSgt. Jersyl Rebuera ang kanyang service firearm sa aparador bago pinaputukan si misis.


Nang makita ang duguang katawan ng asawa, itinutok ng pulis ang baril sa sentido saka kinalabit ang gatilyo.


Naganap ang insidente alas-9 ng gabi sa tahanan ng mga Rebuera sa Nueve st., Brgy. Taft.


Sinabi ng anak ni Rebuera, na isang menor de edad, na bago ang murder-suicide ay nag-away ang kanyang mga magulang.


Aniya, hindi niya alam ang pinagtalunan ng mga ito.


Nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) – Surigao City ang bata.