KUNG nagtataka ka rin, ka-PUBLIKO, kung paano naging national costume si Virgin Mary, may sagot diyan ni Gabby Basiano, ang representative ng Borongan, Eastern Samar sa Binibining Pilipinas 2022.
Paliwanag ni Basiano, inspired ang kanyang “costume” sa Padul-ong Festival na ipinagdiriwang sa Borongan tuwing Setyembre.
“Ang inspiration po ng national costume ko is Padul-ong Festival, wherein pinapakita po ‘yung pag-transport ng image in Mama Mary from one port to another,” aniya.
Nilikha nina Ken Batino at Jevin Salaysay ang nasabing costume.