Lolit Solis sa KathNiel fans: Itigil ang violence…move on na kayo!

PINAYUHAN ng talent manager at showbiz columnist na si Lolit Solis ang mga fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na huwag maging bayolente sakaling makakakita na ang dating magkasintahan ng ibang mamahalin.

“Bakit parang ang hirap tanggapin ng followers nila na puwede ng magkanya-kanyang lakad sila Kathryn Bernardo at Daniel Padilla? Puwede na noon so much in love sila, but puwede naman mag-fall out of love ka rin ‘di ba?” punto ni Lolit.

“Puwede that time ang mundo nila para sa kanilang dalawa lang, pero now nakita nila na puwede pala makakita din ng iba,” sey pa ng showbiz writer.

Ayon kay Lolit, matibay sa mga pagsubok ang dalawa at kaya nilang mag-move on sa heartbreak.

“Ang lawak pa ng mundo at marami pa silang madi discover na mga bagay…Kaya huwag maging violent ang mga followers nila. Let them grow more mature, para mas matibay ang outlook nila sa love,” dagdag niya.

Naniniwala naman si Lolit na kung kayang mag-move on nina Kath at DJ ay kakayanin din ito ng kanilang supporters.