Live-in ekis kina Bianca, Ruru

NI-MINSAN ay hindi pumasok sa isip ng magkasintahang Ruru Madrid at Bianca Umali na mag-live-in.

Ayon sa Kapuso couple, isa sa mga dahilan ay hindi ito pinahihintulutan sa kanilang relihiyon. Kapwa miyembro ng Iglesia ni Cristo sina Ruru at Bianca.

“Especially that we are in our religion as well, it’s not tolerated to live inside one roof nang hindi kayo kasal. And we honor that,” ani Bianca.

“Ako rin po, alam ko na I am reserving myself for that person who I know will love me forever. Alam kong si Ruru ‘yon. Alam kong dadating kami roon,” dagdag niya.

Umamin ang aktres na gaya ng ibang magkakarelasyon ay dumanas ng ilang pagsubok ang kanilang samahan.

Gayunman, sambit ni Bianca ay alam nila ni Ruru na may dahilan ang mga iyon.

“Kahit ano po ang mga nangyayari sa amin, doon mari-realize na lahat may dahilan kung bakit kailangan nating pagdaanan ang mga unos na ‘yon kasi ito pala ang kapalit noon, kung ano ‘yung mga tinatamasa namin ngayon,” sey niya.