Kuya Kim pinatulan ng volleyball player; Nan-deadma ka rin

PINASARINGAN ng volleyball player na si Ish Polvorosa si Kuya Kim Atienza matapos ang ginawa nitong pagpuna niya sa mga female volleyball players na nang-isnab ng mga fans sa Boracay.

Tinawag ni Ish si Kuya Kim na “mema” matapos ang post nito ukol sa mga volleyball players.

“Sus. Kaya pala nung magpapapicture nun sayo off-air sa noontime show niyo noon, deadma ka rin. Pinapalaki mo pa eh. LOL at u, not siding with anyone but tbh, ika’y isang #mema,” chika ni Ish.

Naunang sinabi ni Kuya Kim na dapat ina-accommodate ng players ang fans dahil public figure na rin sila.

Ilang netizens din ang nagsabing dinededma rin ni Kuya Kim ang ilang fans na nagpapapicture sa kanya.

“true to..,naranasan nmin,yan nung nag ka fun run ang centrum dati dedma yan, sa mga nag papa pic sa kanya.. lalo n yung mga promodizer lng sa event.. tama ka na kuya kim,” reply ng netizen sa tweet ni Ish.

“Sungit kaya nya ayaw magpapic,” ayon pa sa isang tweet.

“na “Back to you guys.” ka tuloy deadma ka din nman pala hahahaha”