Kuya Kim nag-‘I love you’ kay Karylle; na-bash

NA-BASH nang husto ang host na si Kim Atienza makaraan itong magpakita ng suporta kay Karylle bunsod ng natatanggap na umano’y unfair treatment ng singer-host sa noontime show na “It’s Showtime.”

Nitong Huwebes ay nag-tweet si Kuya Kim ng “I love you Karylle. @anakarylle.”

Tila hindi naman nagustuhan ng mga netizens ang “pagsawsaw” nito sa isyu ni Karylle at ng “It’s Showtime.”

Sey nila:
“Ew tanda mo na KSP ka pa rin. Reminder beh, kung wala ang Showtime, wala ka. You think people will remember a trying-hard second-rate version of Ernie Baron? Please. Kasuka ka.”

“Ewwww clout chaser na gurang maghahakot kasi walang benta sa kamuning?”

“Pwede mo naman ‘tong sinend kay Karylle as private message. Pa-relevant ka lang boi.”
“Tama ka na Kuya Kim, focus ka nalang don sa Show mo po!”

“Shhh nakikisawsaw kasi sha dahil flop era nya ulit ay wait flop naman talaga sha noon pa.”

“Wag ka na po makigulo. 😒 For sure maayos naman po nila yun. Kasi Kapamilya Forever sila don. Ewan ko lng sayo.”

Matatandaan na dati ring host ng noontime show si kuya Kim.