Dirty Linen’ star Jennica Garcia umaming hiwalay na sa mister

INIHAYAG ng aktres na si Jennica Garcia na matagal na silang hindi mag-asawa ni Alwyn Garcia.

Sa isang panayam, isiniwalat ng “Dirty Laundry” actress na dalawang taon na silang hiwalay ni Alwyn na nakabukod na rin ng tahanan.

Aniya, hindi siya magsasalita kung ano ang ugat ng hiwalayan.

“Out of my respect na rin kay Alwyn (Uytingco) and his family, more importantly siyempre, ‘yung parents niya. Ayoko kasing dumating sa punto na hindi ako makakatingin kay Mama Liza, ‘yung mommy ni Alwyn. Ayokong dumating ‘yung araw na hindi ako makakatingin sa mata niya dahil may nasabi akong hindi maganda patungkol sa anak niya,” paliwanag niya.

“Kasi, natapos man ‘yung marriage namin, hindi naman sila kasama ro’n. Kumbaga, in my mind, they will always be family. It’s just that, hindi na kami mag-asawa ni Alwyn,” dagdag ng anak ni Jean Garcia at Jigo Garcia.

Klinaro niya na hindi na bago ang set-up ng kanyang pamilya.

“Feeling ko, marami ang nagugulat, pero matagal na po. Magda-dalawang taon na po. Hindi siya bago,” sabi ni Jennica.

Nais na rin niyang tuldukan ang isyu.

“Gusto ko na rin po kasi na moving forward, ‘wag na lang siyang pag-usapan pa. Hindi na rin naman iisa ang buhay naming dalawa ngayon kasi, we’re not romantically linked with each other,” pahayag niya.