Kris humingi na ng tulong sa Diyos para makahanap ng yaya

PANGUNAHING panalangin ng aktres na si Kris Bernal nitong Linggo ng pagkabuhay ang makahanap na siya ng yaya para sa anak na si Hailee Lucca.

“Lord, sana makahanap na ako ng yaya na mamahalin at aalagaan si Hailee katulad ko bilang kanyang nanay,” ani Kris sa Instagram story.

Sa hiwalay na post, umamin si Kris na isa sa pinakanahirap na aspeto ng kanyang pagiging ina ang pagpapa-breastfeed sa anak.

“Going 8 months of exclusively breastfeeding @haileelucca… Whew! It’s a full-time job, it’s a commitment!” sey niya.

“To be honest, I find breastfeeding to be the most difficult aspect of being a mother. Once I let go of breastfeeding, I suppose it’s the only time I’ll be able to bounce back,” dagdag ng aktres.

Bago ito, inihayag ni Kris na kaya hindi  masyadong nararamdaman ang presence niya sa social media niya ay dahil wala pa siyang mahanap na kasambahay at yaya.

“I haven’t been on social media in weeks because we have yet to find a yaya and house helper,” paliwanag ni Kris.

“Naghahanap pa rin kami. Walang pahinga, walang tulog. Literal!”

Mabuti na lang, dagdag niya, tumutulong ang asawang si Perry Choi sa mga gawaing bahay.

“Perry is in charge of the household while I am responsible/in care of Hailee. I am grateful for having a spouse on whom I can always rely on. Through good and bad. Rain or shine. Extremely attentive to our needs,” sambit ng aktres.