Kris Bernal: Di ako nagparetoke

IGINIIT ni actress Kris Bernal na hindi siya nagparetoke ng kahit anong parte sa kanyang mukha at katawan.


“False,” sagot ni Kris nang may magtanong sa kanya sa Instagram kung nagpa-nose job ba siya.


“A lot of people think I had a nose job but I was born with a matangos na ilong,” chika ni Kris.


Para may ebidensya, ipinost din niya ang kanyang picture noong siya ay 12-years-old.