Kim Chiu nagsisisi na hindi nag-college

MALAKI ang panghihinayang ni Kim Chiu na hindi siya nakapagkolehiyo.


“Isa ‘to sa mga regrets ko in life, na hindi ako nakatungtong ng college. But I think everything happens for a reason at dito ako dinala,” kwento ni Kim sa vlog niya.


Chika pa niya, hindi niya naipagpatuloy ang pag-aaral niya sa University of the Philippines Open University dahil sa dami ng TV projects niya.


“Hindi ako nagtagal kasi hindi ko kinaya. Ang daming assignment, ang daming projects, tapos nagte-teleserye pa ako,” chika niya. “Though hindi ko naman sinisisi ‘yung projects na ‘yon because those are opportunities.”


Hindi naman niya sinasara ang pinto sa pag-aaral.


“Ang pag-aaral, I’m sure naman nandiyan lang ‘yan and there’s always a way and time na makabalik tayo diyan. Makakakuha tayo ng college degree. Soon. Hindi natin iyan iba-block,” paliwanag pa niya.