Erap negative na sa Covid-19

NEGATIBO na sa Covid-19 si dating Pangulong Joseph Estrada, ayon sa anak na si dating Sen. Jinggoy Estrada ngayong araw.


“We are happy to announce that my dad continues to improve and we expect that he can be transferred to a regular room soon,” ani Jinggoy sa kanyang post sa Facebook.


“His repeat RT-PCR (swab test) is now NEGATIVE!” dagdag niya.


Ayon kay Jinggoy, naka-oxygen support pa rin ang kanyang ama pero pinayagan na itong kumain.


Nakakausap na rin ito nang maayos at mukha naman itong masaya, dagdag niya.


“We thank everyone for their continuous support and love and ask that you continue to pray for him and others who are afflicted with this awful and dreaded disease,” ani Jinggoy.


Noong Marso 29 ay inanunsyo ni Jinggoy na positibo sa virus ang ama. Makaraan ang ilang araw ay lumala ang pneumonia nito kaya kinailangang gamitan ng ventilator.