Kahit walang work, Chito Miranda nabubuhay pa rin ang pamilya

GOOD provider ang Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda kahit wala itong gigs, ayon sa misis niyang ni Neri Naig.


Sagot ni Neri sa netizen na nagtanong kung siya na ang bumubuhay kay Chito, maraming investments ang kanyang mister kaya hindi magugutom ang kanilang pamilya.


“Kahit wala siya masyadong gigs, ang dami naman nyang investments katulad ng mga paupahan. May mga townhouse at condos syang pinapaupahan, dun palang solb na kami,” ani Neri.


Idinagdag niya na kahit kumikita siya nang sarili ay sagot pa rin ni Chito ang mga gastusin nila sa bahay.


“May kanya kanya kaming investments. May kanya kanya kaming pera pero sya ang nagbibigay ng monthly allowance para sa bahay,” ayon sa aktres.


Hirit naman ni Chito sa basher: “Oo din…kasi kung wala si Neri matagal na akong patay.”