Julia kakaibang saya dulot kay Gerald

KAKAIBANG kaligayahan umano ang naibibigay ni Julia Barretto sa nobyong si Gerald Anderson.


Chika ni aktor, sobrang inspired siya dahil sa kanyang girlfriend.


“Ibang joy, ibang inspiration, hindi ko rin ma-explain eh,” aniya.


“Parang nabibigyan ako ng bagong motivation. Hindi ko rin alam kung kasama rin sa edad ko, 32 na ako, so iba na,” dagdag pa niya.


Sey ng aktor, unconditional love ang ipinararamdam sa kanya ni Julia.


“Unconditional. Talagang , parang alam ko na sa tropa ko sa sundalo, alam kong andyan siya by my side. Siya ‘yung nagbibigay sa akin ng power para ituloy ang laban sa buhay,” kwento ni Gerald.