Nag-sex sa likod ng Davao City Hall, kalaboso

HIMAS-REHAS ang dalawang city employees na nahuli sa aktong nagtatalik sa likod ng Davao City Hall.


Kinilala lang ang dalawa sa mga alyas na Marco, 35, binata, landscaper, ng Brgy. 2-A, Davao City, at Mocha, 43, dalaga, parking girl, residente ng Brgy. 1-A, Poblacion District ng nasabi ring lungsod.


Isinumbong ang dalawa ng mga kapwa nila empleyado na nakita silang nagtatalik sa madamong bahagi ng city hall.


Hindi naman malinaw kung magkasintahan ang mga suspek.


Nahaharap sila sa reklamong public scandal.