Julia Barretto, nagsinungaling na first time kumain ng isaw


NAKATIKIM ng batikos sa netizens si Julia Barretto dahil sa sinabi nito kamakailan sa vlog kasama ang boyfriend na si Gerald Anderson na unang beses pa lamang siyang nakakatikim ng isaw.


Naglitawan ang mga videos at pictures ni Julia na kumakain ng isaw kasama si Enrique Gil sa isang episode sa Gandang Gabi Vice.


“Gaano ba kasarap yung isaw na kinain ni Julia Barretto nung 2016 at nagka-amnesia siya bigla sa vlog ni Gerald?” tanong ng isang netizen.


“Kaya next time kung magsisinungaling ka, siguraduhin mo muna na wala talagang pruweba. Ano ba kasing big deal kung hindi mo first time kumain nun?” komento ng isa pa. –A. Mae Rodriguez