Judy Ann waging best actress sa int’l film fest

BAGONG parangal ang tinanggap ng batikang aktres na si Judy Ann Santos.

Ito ay matapos siyang tanghaling Best Acress sa 45th Fantasporto Film Festival sa Portugal para sa kanyang performance sa pelikulang “Espantaho,” na itinanghal sa nakalipas na 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry noong Disyembre.

Ipinamalita ng mister ni Judy Ann na si Ryan Agoncillo ang tagumpay ng misis sa kanyang Instagram account na may caption na: “Happy to be here.”

Ito ang ikalawang parangal na nakuha ng aktres para sa “Espantaho”. matapos manalo noong 2024 MMFF Gabi ng Parangal.

Nagparating naman ng kanilang pagbati ang mga kaibigan ng mag-asawa, kabilang na ang direktor na si Joey Reyes, Chanda Romero, Dingdong Dantes, Ogie Alcasid, Bianca Gonzalez, Isabelle Daza, Gian Sotto, and designer Rajo Laurel.