John Lloyd Cruz nabubuhay para sa anak

KUNG wala ang anak ko baka wala na rin ako rito.”


Ito ang ibinunyag ni John Lloyd Cruz na sinabi na utang niya sa anak niyang si Elias kanyang buhay.


Kwento niya, naririto pa siya sa mundo dahil kay Elias, ang anak niya kay Ellen Adarna.


“Anak ko talaga ang teacher ko. Malaki ang papel nun sa kung bakit ako ay andito pa ngayon,” aniya.
“Kung wala yung anak ko, baka wala na rin ako dito,” dagdag ng aktor.


Chika pa niya, si Elias ang dahilan kaya nagsusumikap siya sa buhay.


“Malaki talaga ang papel niya kung bakit bumabangon ka, nagsusumikap ka. Kaya, naku, malaki ang utang ko sa anak ko. Utang ko ang buhay ko sa anak ko.”


Kamakailan lang ay inanunsyo ng Crown Management na balik showbiz na si John Lloyd.