PH Red Cross magbebenta ng Moderna vaccine

MAGBEBENTA ang Philippine Red Cross (PRC) na bakuna kontra-Covid-19 na mula sa Moderna sa halagang P3,500 para sa dalawang doses.


Ayon kay PRC chair Richard Gordon, darating sa isang buwan ang 200,000 doses ng bakuna mula sa US pharmaceutical giant.


Mayroong efficacy rate na 90 porsyento ang Moderna Covid vaccine.


“Those of you who cannot wait, you pay P3,500 and that’s two doses already,” aniya.


Sinabi ni Gordon na mayroon ding order ang PRC na bakuna mula AstraZeneca, pero sa isang taon pa ang dating nito.


“With India tightening the line, mahirap,” dagdag niya.


Hindi naman pabor ang opisyal sa mass vaccination.


“I’m afraid of mass vaccinations kasi lilinya ang mga tao, maghahawa-hawa ‘yan,” aniya. “What you need is more vaccination centers na supervised. You cannot vaccinate 30,000 in one area only. I think it is gonna cause a lot of problems.”