John Lloyd Cruz mabuting ama kay Elias–Ellen Adarna

NANATILING malapit si John Lloyd Cruz sa kanilang anak ni Ellen Adarna.

Sa kanyang Instagram Stories, sinagot ni Ellen ang isa niyang fan na nagtanong kung binibisita ba ni John Lloyd ang kanilang anak na si Elias.

Aniya, isang “present father” ang aktor sa kanilang anak. Sinusundo niya ito para mag-bonding at inihahatid din pagkatapos.

“He wants to be present,” dagdag ng aktres.

“He needs his father as much as he (Elias) needs me.” I

pinanganak si Elias noong 2018. Magkahiwalay naman sina Ellen at John Lloyd noong 2020. –A. Mae Rodriguez