NANINIWALA ang producer ng biopic ni Apollo Quiboloy na papayag din ang aktor na si John Lloyd Cruz na gawin ang pelikula ukol sa buhay ng kontrobersyal na pastor.
Ayon kay Atty. Ferdie Topacio ng Borracho Films, una nang sinabi ni John Lloyd na hindi nito matatanggap ang proyekto dahil sa conflict sa schedule.
Kaya naman, ani Topacio, humanap sila ng petsa kung saan libre na ang aktor.
“JLC is still being considered subject to his schedule, although nothing is final,” pahayag ni Topacio.
“Inurong na namin ang principal photography to October or November para mas mahaba ang pre-production, as we in Borracho Films have always believed that a thorough pre-production is the key to a trouble-free principal photography and post-production,” dagdag ng abogado.
Plano ng produksyon na ipalabas ang pelikula sa April 2023 bilang “birthday presentation” ni Quiboloy.
Wanted si Quiboloy sa Federal Bureau of Investigation dahil sa mga kasong conspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud and coercion, sex trafficking of children; sex trafficking by force, fraud, and coercion; conspiracy; at bulk cash smuggling.
Tumatayong spiritual adviser ni Pangulong Duterte, si Quiboloy ang founder at leader ng Kingdom of Jesus Christ.
Siya umano ang “Appointed Son of God” at “Owner of the Universe.”