Jake Zyrus nabastusan sa ‘Charice is coming back’

MASAMA ang loob ng singer na si Jake Zyrus sa mga netizens na patuloy siyang ikinukumpara sa kanyang dating katauhan na Charice Pempengco.


Ayon sa trans singer, hindi na niya na dapat pinapatulan ang mga komento ukol sa kanyang sekswalidad pero nababastusan umano siya sa mga ito.


“Sabi ko ‘wag na patulan mga ganung tao kasi nagiging feeling na, pero hindi, kasi bastos na talaga ang iba.

Okay ako kung i-compliment mong naririnig mo kasi totoo naman ‘yon,” pahayag niya.


“Pero para ipangalandakan mo na ‘Charice is coming back’, and also binabastos na ang pagkatao ko nang dahil lang doon, get yo MF transphobia ass away from me,” dagdag niya.


Dagdag pa niya, ilang beses na siyang na-offend sa mga ganoong klase ng komento pero pinili lang niyang manahimik.


“Never again. Ilang beses na akong na-offend na hindi ako nagsasalita. Last na ‘to. Tutal ke public or sa family or sa mga ex-friends ko eh mayabang at masama ang ugali ko, so be it,” sey pa niya.